Ang ibon na ito ay Kalapati. Ito ay sumisimbolo sa kapayapaan. Ito ay madalas na nagagamit sa mga paggawa ng poster na nagpapakita ng Kapayapaan. Sumisimbolo din ito sa kalayaan at ito ay ginagamit natin kapag ang isang bansa ay nakalaya na sa bansan nanakop
Isang paraan upang makamtan ang kapayapaan at kalayaan ang pagkakaroon ng pagkakaisa.
Isang halimbawa nito ay ang mga bansa na sumailalim sa kolonisasyon. Kanilang nakamtan ang kalayaan at kapayapaan ng nabuksan na ang kanilang kamalayan at kaisipan na nagbigay daan sa pagkakaisa at puso na handang lumaban para sa kanilang minamahal na bayan.
Paano ba magkakaroon ng pagkakaisa? Magkakaroon ng pagkakaisa kapag tayo ay sama samang nagkakaunawaan at nagkakasundo. Kapag tayo ay nagkaunawaan mapapadali ang pag isip at pag gawa ng mga gawain at layunin. Bilang isang pilipino napakahalaga na tayo ay magkaisa.
Ang pagtutulungan ay mahalaga sa isang bansa upang makamit ang pagiging mapayapa ang bansa at para matulungan natin ang bansa natin na umunlad. Kapag nagtutulungan ang isa’t isa mas lalong mapapadali ang ating mga gawain at layunin sa buhay. Mahalaga na tayo ay tumulong sa iba upang maipadama natin ang ating pagmamahalsa kanila.
Comments
Post a Comment